Nagbabala si Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, hinggil sa posibleng panganib, sakaling gamitin pa din sa 2016 elections ang mga lumang PCOS machines.
Ayon kay Pabillo, tiyak na malalagay sa alanganin ang integridad ng halalan, kung ito ay gagawin ng Commission on Elections (COMELEC).
Aniya, ito ay dahil wala sa mga lumang PCOS machines ang ilang safety features, kasama na ang digital signatures at ang voter signatures.
Bukod sa magiging sikreto ang gagawing botohan, hindi din sumalang sa pag – aaral ng mga independent group, ang source codes ng makina.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)