Isinusulong ng mga mambabatas sa Amerika, ang pagsasanay at pag-aarmas sa kanilang mga kaalyadong bansa sa Asya, upang labanan ang China, sakaling magkaroon ng labanan dahil sa sigalot sa West Philippine Sea.
Ayon kay US Senate Armed Services Committee Chairman John McCain, kanilang isasama ang China Sea Initiative sa 2016 Defense Bill, para makapaglaan ng pondo para sa pagpapalakas ng militar ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Vietnam at Thailand.
Sinabi ni McCain na ang China Initiative na tatagal ng 5 taon ay mangangailangan ng pondo na 425 milyong dolyar, at ang 50 milyong dolyar dito, ay gagamitin sa susunod na taon.
By Katrina Valle | Kevyn Reyes