Naglunsad ng caravan kontra sa K to 12 program ang mga magulang at ilan pang grupo na kumokontra sa nasabing programa ng Department of Education (DepEd).
Iginiit ng mga magulang na maliban sa hahaba ang kanilang kalbaryo, malaking bilang din ng mga guro ang maaring mawalan ng trabaho, dahil sa programa.
Mula sa Welcome Rotonda ay dumiretso ang grupo sa tapat ng Korte Suprema, para doon ay iparamdam ang kanilang pagtutol sa programa.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)