Ibinunyag ni Benhur Luy, sa kaniyang pagharap sa bail petition hearing ni Janet Lim-Napoles, ang halaga ng kickback nina Sen. Juan Ponce Enrile at Ruby Tuason.
Ayon kay Luy, sa P541-milyong pisong kontrata mula noong 2004 hanggang 2010, umabot sa P216.6 milyong piso dito ang nakuha ni Enrile.
Mayroon namang nakukuhang 5 hanggang 10 porsyento si Tuason, sa kada transaksyon na gagawin ni Napoles, gamit ang PDAF ng senador.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)