Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga school service na mas matanda sa 15 taon, na mag-operate ngayong school year.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ito ay dahil malaking bilang ng school service ang mapha- phase out, at labis nitong maaapektuhan ang mga estudyante.
Upang maiwasan ito, kanila nalang aniyang gagawing transition period ang school year 2015 – 2016.
Nilinaw ni Ginez na para makapag-operate, kailangan munang tiyakin ng operator na kanilang papalitan ang mga lumang school service, bago ang susunod na pasukan.
By Katrina Valle