Dismayado si Senate President Franklin Drilon sa paghina ng ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taon.
Ayon kay Drilon, dapat magsilbi itong pang gising sa ehekutibo, para agarang maglabas ng pondo para maituloy ang mga infrastructure project.
Sa kabila nito, tiwala pa din aniya ang economic managers na makakabawi ang ekonomiya ng bansa.
Samantala, tatlong priority measures na para sa ekonomiya, ang inaasahang maisasabatas bago mag adjourn ang senado, kapag nakapasa sa bicam committee, at ang mga ito ay ang Fair Competition Act, Anti-Trust Law at ang ammendment sa Cabotage Law.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)