Hindi na magugulat si Rep. Lito Atienza, kung papaspasan din ang pagpasa sa plenaryo ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Atienza, ito ay dahil patuloy na binabale wala ng mayorya sa kamara, ang saloobin ng mga myembro nito.
Sinabi ni Atienza na isa sa mga posibleng nakapagpabago sa isip ng maraming mambabatas hinggil sa pagkontra sa BBL, ay ang listahan ni Janet Lim-Napoles ng kanyang mga naka-transaksyon, at ang listahan ng ikatlong batch ng mga mambabatas na kakasuhan hinggil dito.
Treason
Napaka-mapanganib ng pinasok na kasunduan ng peace panel sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay Representative Lito Atienza, ito ay dahilan kung bakit nila sinampahan ng treason ang mga opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at ang miyembro ng peace panel ng pamahalaan.
Binigyang diin ni Atienza na tiyak na magkakaroon ng kaguluhan, kahit ipasa o hindi ang Bangsamoro Basic Law.
By Katrina Valle | Karambola