Isa (1) ang patay sa sunog sa Barangay Addition Hills sa San Juan City.
Sa inisyal na imbestigasyon, na-trap ang biktima na kinilalang si Bantog sa nire-rentahan niyang bahay sa Ortega Street sa nabanggit na lugar.
Tinatayang nasa pagitan ng P1.2 milyon hanggang P2 milyong piso ang pinsala ng sunog.
Patay naman ang isang buntis na ginang at ang kanyang 5-taong gulang na anak matapos lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa Cagayan de Oro City.
Nakilala ang mga biktima na sina Mary Jane Paderanga at Kyle Hanjin, kapwa residente ng max Suniel Street, Barangay Carmen sa nasabing lungsod.
Sinabi ng mga otoridad na natagpuan ang sunog na bangkay ng mag-ina habang magkayakap sa loob ng kanilang silid.
Ayon kay Mang Bobong, tumawag pa sa kanya ang misis niya na may nagaganap na sunog malapit sa kanilang bahay, subalit hindi agad ito nakauwi mula sa trabaho.
By Meann Tanbio | Jelbert Perdez