Pinaghahandaan na ng Cleveland Cavaliers ang pakikipagtuos nila sa Golden State Warriors sa National Basketball Association (NBA) Finals na magsisimula sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga sa Pilipinas.
Bagama’t aminado si Lebron James na mahirap pigilan ang maliksing si Stephen Curry ng Warriors ay pinag-aaralan na umano nila ito.
Ngunit, ang una nilang gagawin ay kung paano maisasama sa laro si all-star guard Kyrie Irving nang buo at walang iniinda sa katawan.
Una nang nagkaroon ng injury sa tuhod at paa si Irving sa dalawang laban ng Cavaliers sa Eastern Conference Playoffs.
Paliwanag ni James, kahit 50 percent lamang ang maibibigay ni Irving sa finals ay malaking bagay na ito sa panig ng Cavaliers.
By Jelbert Perdez