Nahaharap sa human rights calamity ang Pilipinas.
Ito ang ibinabala ng Human Rights Watch o HRW sa gitna ng dumaraming bilang ng mga napapatay na suspected drug pusher at user.
Ayon kay Phelim Kine, Asia Deputy Director ng grupo, mas mataas ng sampung beses ang bilang ng mga napapatay na drug suspects ng mga pulis sa unang walong linggo ng Duterte administration kumpara sa unang anim na buwan ng taong 2016.
Giit ni Kine, sa halip na imbestigahan ang mga pinaniniwalaang paglabag sa karapatang pantao, mismong si Pangulong Duterte pa ang agresibong nananawagan na patayin ang mga kriminal.
Matatandaang inihayag ng Philippine National Police o PNP na mahigit 1,000 drug suspects na ang napapaslang ng mga alagad ng batas at patuloy sa pagtaas ang naturang bilang.
By Jelbert Perdez