Naging ganap nang bagyo ang low pressure na naispatan sa bahagi ng Batanes.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang bagyo ay pinangalanang Enteng na magdadala ng bahagya hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 730 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at inaasahang gagalaw pa-hilagang silangan sa bilis na 19 kilometro kada oras.
By Ralph Obina