Walang kahirap-hirap na nakalusot sa round three ng US open si top seed Novak Djokovic.
Ito ay matapos umatras ang kalabang niyang si Jiri Vesely ng Czech Republic dahil sa tinamo nitong injury sa second round.
Mas minabuti ni Vesely na hindi maglaro dahil sa hindi pa tuluyang magaling ang kaliwang kamay nito.
Dahil dito mistulang nakabawi si Djokovic kay Vesely na tumalo sa kanya sa Monte Carlo noong Abril.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters