Napapanahon na para dagdagan ang buwanang sahod ng mga pampublikong guro at empleyado ng pamahalaan.
Iginiit ito ni Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative Antonio Tinio, lalo na at tatlong taon nang hindi gumagalaw ang sahod ng mga ito, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.
Binigyang diin ni Tinio na nararapat lamang na itaas sa P25,000 piso ang minimum na sahod ng mga guro, lalo na at madadagdagan ang panahon ng kanilang pagtuturo, sa ilalim ng K to 12 Program.
“Unfortunately sa ilalim ng Aquino administration, 3 taon nang hindi nagbibigay ng salary increase sa mga teachers and other government employees, panawagan natin gawing P25,000 a month ang starting salary ng teachers, P16,000 a month ang starting salary ng entry level government employees.” Ani Tinio.
K-12 Program
Kumpiyansa naman si Tinio, na susuportahan ng Korte Suprema, ang kanilang panawagang pigilin ang K to 12 program ng pamahalaan.
Sinabi ni Tinio na ito ay dahil makikitang marami pang kakulangan sa mga paaralan, at hindi pa din handa ang Department of Education para sa full implementation nito.
Kaugnay nito, sinalubong ng protesta ng iba’t ibang grupo, ang pagbubukas ng klase, ngayong araw.
“Hindi dapat pahintulutan ng Korte Suprema ang privatized na implementation ng K-12, malaking bahagi ng enrollment ay dadalhin sa mga private schools na susuportahan lamang sa pamamagitan ng mga vouchers, lumalabag ito sa basic constitutional mandate sa gobyerno na kailangang ibigay ng libre.” Pahayag ni Tinio.
By Katrina Valle | Ratsada Balita