Papasukin na ng Philippine National Police (PNP) Oplan Tokhang ang mga exclusive subdivision sa Metro Manila simula sa Lunes.
Ayon sa Makati Police, nagbigay na ng go signal ang homeowner’s association sa mga gated villages tulad ng Forbes Park, Belair at Magallanes.
Nagpahayag ang assosasyon ng kanilang pagsuporta sa ginagawang kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.
Apela lamang ng mga ito ay maging maayos lamang ang operasyon at malimitahan ito sa pamimigay ng information flyers.
Nakikipagpulong na rin ang homeowmer’s association ng bf homes para sa pagbubukas ng kanilang subdivision sa Oplan Tokhang.
Bukod sa mga ekslusibong subdivision, isusunod na rin ng PNP ang mga condominium units sa kalakhang Maynila.
By Rianne Briones