Wala pang kahit isang sentimo na nailalabas mula sa budget para sa pagtatayo ng school buildings, ngayong taon.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Chiz Escudero, ito ay dahil mabagal ang mga ahensya ng pamahalaan na magpatawag ng bidding process.
Sa ngayon aniya, wala pang kahit isang gusali ng paaralan ang naitayo, mula sa 2015 budget.
Una nang lumabas ang report na naging mabagal ang paglago ng ekonomiya sa unang bahagi ng taon, dahil sa mahinang paggastos ng pamahalaan para sa mga imprastraktura.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)