Nakiusap ang pamilya ng mga Special Action Force (SAF), na naka-deploy sa Mindanao, na ilipat nalang ang mga ito sa Cordillera Autonomous Region.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kanilang ipaparating sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang kahilingan ng mga magulang ng SAF, at kanilang titingnan kung ano ang magagawa para dito.
Una nang lumabas ang ulat na nakakatanggap ng banta sa buhay ang pamilya ng mga SAF members, mula sa BIFF, at sinasabing gagantihan ang mga ito.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)