Patuloy na makikiisa ang Pilipinas sa iba pang mga bansang umaangkin din sa West Philippine sea.
Ayon kay DFA Spokesman Asst. Secretary Charles Jose, hindi titigil ang Pilipinas sa pakikilahok sa ASEAN para sa buo at epektibong pagpapatupad ng 2002 declaration on the conduct of parties in the South China Sea at para sa maagang konklusyon ng nasabing code of conduct.
Kasabay nito, sinabi ni Jose na kuntento rin ang bansa sa inisyung statement ng ASEAN sa isang pagpupulong noong Hulyo kung saan sinabi ng rehiyon na isusulong nila ang mapayapang pagresolba sa sigalot sa karagatan.
Matatandaang pinaboran ng permanent court of arbitration ang kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng nasabing alitan.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 25) Allan Francisco