Hindi na makakasama si Rachelle Ann Go sa nalalapit na concert na “divas: live in manila” na kinatatampukan din nina Angeline Quinto, Kyla, Kz Tandingan at Yeng Constantino.
Ito ang inanunsyo ni Erickson Raymundo, presidente ng Cornerstone Entertainment Inc. Na siyang nagma-manage ng career ni Go at ng iba pang “diva” performers.
Ipinaliwanag ni Raymundo na mayroong major project si Rachelle Ann at hindi nila ito matanggihan.
Dahil dito, humingi ng pang-unawa si Raymundo sa mga fans ni Rachelle Ann dahil sa pagpull-out sa kanya sa naturang concert.
By: Meann Tanbio