Tinatayang aabot sa anim hanggang walong Milyong Dolyar ang malugi sa Pilipinas kung puputulin nito ang ugnayan sa bansang China
Ito ang inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa pagharap nito sa pagdinig ng House Appropriations Committee para sa budget ng Department of Trade and Industry o DTI para sa susunod na taon
Ayon sa kalihim, nasa 17 Bilyong Dolyar ang kabuuang trading ties ng Pilipinas at China, ngunit pinangangambahan itong mawala dahil na rin sa usapin ng maritime dispute sa West Philippine Sea
Gayunman, sinabi ng kalihim na kumpiyansa siyang maaayos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa bunsod na rin ng nilulutong bilateral talks ni Pangulong Rodrigo Duterte
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 7 ) Jill Resontoc