Matagal nang sangkot sa iligal na gawain si Bryan Taala, ang itinuturong utak ng planong pagpatay o pagpapatumba kay Pangulong Rodrigo Duterte
Ito ang inihayag ng Citizen’s Crime Watch kasunod ng mga impormasyong matagal na nilang natatanggap
Ayon kay John Chong, National Vice President ng naturang watch group, matagal nang nagpapadeliver ng armas si Taala mula sa ibayong dagat upang ibenta sa rehiyon ng Negros
Aniya, may mga kilalang tao sa larangan ng pulitika, negosyo at iba pa ang parokyano ni Taala sa pagsusuplay ng mga armas
Magugunitang ibinunyag ng nagpakilalang tauhan ni Taala na si Wilford Palma ang planong pagpatay kay Pangulong Duterte kasunod ng mga nakumpiskang armas na nakasiksik sa balikbayan boxes nuong Agosto a-sais.
By: Jaymark Dagala