Nagpasabog ng 35 points ang Rain or Shine sa 4th quarter kaya’t nadurog nito ang Mahindra sa score na 103-88 sa PBA governors’ cup sa Araneta Coliseum.
Si Raymond Almazan ang nanguna sa Elasto Painters taglay ang kanyang 14 points habang nag-ambag naman si Beau Belga ng 13 points, eight rebounds at four assists.
Nakahakot din ng double figures ang iba pang pambato ng Rain or Shine na sina Paul Lee, Jericho Cruz at Jeff Chan.
Dahil sa panalo ay umakyat ang kartada ng elasto painters sa 4-4 sa pba standings habang nalugmok ang mahindra sa 6-3.
Sa isa pang laro, pinadapa naman ng Phoenix Fuel Masters ang Star Hotshots sa score na 106-93.
Ang omport na si Eugene Phelps ang nanguna sa panalo ng Phoenix na humakot ng 45 points at 17 rebounds.
By Jelbert Perdez