Nananatiling sa pinaka-mataas na alerto lahat ng airport sa bansa matapos ang pambobomba sa Davao City na ikinasawi ng labing-apat katao.
Sumasailalim sa mas mahigpit na inspeksyon ang lahat ng sasakyan sa Ninoy Aquino International Airport habang nililimitahan ang mga maghahatid at sasalubong sa mga pasahero.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, ang security adjustments ay bahagi ng “proactive measure” upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa paliparan.
Posible anya suspendihin nila ang issuance ng visitor’s pass para sa kaligtasan ng lahat depende sa kanilang mga matatanggap na intelligence report.
Sa kasalukuyan ay ini-reactivate ang airport security centers sa walumpu’t isang domestic airports upang matiyak na ligtas ang lahat ng mga pasahero at nagtatrabaho mga paliparan.
By: Drew Nacino