Binitay na ang isa sa mga leader at financier ng pinaka-malaking Islamis Party sa Bangladesh dahil sa mga war crime noong 1971.
Taong 2014 nang hatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti ang media tycoon na si Mir Quasem Ali, animnapu’t tatlong taong gulang ng Jamaat-e-Islami Party.
Kabilang sa mga naging kaso ni Ali ay pagpatay at torture noong 1971 Bangladesh-Pakistani war.
Ibinigti ang media tycoon sa isang high-security prison sa Gazipur district, Dhaka, kagabi.
Isinagawa ang execution matapos ang serye ng pag-atake ng mga Islamist Militants sa Bangladesh, kabilang ang hostage incident at pamamaril sa ilang dayuhan sa isang cafe sa Dhaka noong Hulyo.
By: Drew Nacino