Kinondena rin ng United Nations ang pambobomba sa Davao City na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng halos 70.
Ayon kay UN Secretary-General Ban Ki-Moon, dapat managot sa batas ang sinumang nasa likod ng terrorist attack.
Nagpaabod din ng pakikiramay si Ban sa pamilya ng mga biktima at umaasa sa mabilis nilang paggaling.
Magugunitang inako ng Abu Sayyaf ang pagpapasabog subalit nilinaw na wala silang direktang partisipasyon bagkus ang kanilang sympathizer na grupong Daulat Al-Islamiyah ang naglunsad ng pag-atake.
By Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)