Pina-iimbestigahan na ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque ang posibleng pagkakasangkot ng grupong ISIS sa pambobomba sa Davao City.
Ayon kay Roque, hindi na dapat itanggi ng militar at pulisya ang posibleng sabwatan ng ISIS sa Abu Sayyaf.
Dapat anyang mag-ugnayan ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang tuluyang masugpo ang ASG sa Sulu at maiwasan ang posibleng paglakas ng pwersa ng mga ISIS affiliate sa bansa kung mayroon man.
By: Drew Nacino / (Reporter No. 31) Jill Resontoc