Ikinasa na ng SPD Southern Police District ang oplan tokhang sa mga high end villages sa Makati City
Pinangunahan ni SPD Director Chief supt Tomas Apolinario ang police operations sa Forbes Park, Magallanes Village, Urdaneta Village at San Lorenzo kung saan namahagi ng anti illegal drug leaflets ang SPD, PDEA at barangay officials
Sinabi ni Apolinario na nasa flyer na ang mga susunding panuntunan maging ang mga contact number ng mga ahensya sakaling magkaruon ng problema hindi lamang sa isyu ng illegal drugs kundi maging sa iba pang krimen
Kabilang sa mga nakatok ng mga otoridad ang bahay ni dating NAMFREL Chairman at dating barangay Forbes park chairman Jose Concepcion at maging ang bahay ng ilang ambassador
By: Judith Larino / (Reporter No. 25) Allan Francisco