Nakapagtala ng panibagong record si world number 1 Serena Williams matapos talunin si Yaroslava Shvedova ng Kazakhstan sa quarterfinal ng US Open.
Pumapalo na sa 308 ang naitalang panalo ng US tennis star.
Ang nasabing panalo ni Serena ay naitalang pinakamaraming panalo at nahigitan na aniya nila si Roger Federer.
Sunod na makakalaban ni Serena Williams si Fifth Seed Romanian Simona Halep para sa next round.
By Judith Larino