Bukod sa mga Narco politician, sunod na tatargetin ng PNP o Philippine National Police ang mga gambling politician.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa, dapat mapuksa rin ang illegal gambling lalo na ang mga pulitiko at mga pulis na may patong dito dahil maihahantulad din sa droga ang sugal.
Dagdag pa ni Dela Rosa, hinding-hindi siya magpapasilaw sa suhol ng mga gambling lord dahil sapat naman ang kanyang sahod bilang pnp chief.
By: Meann Tanbio