Makikipagpulong ang pamunuan ng MPD o Manila Police District sa Taft avenue university consortium kaugnay sa paghihigpit sa seguridad at paglaban sa mga krimen
Ayon kay MPD Chief Senior Supt. Joel Coronel ,mahalaga ang pulong sa mga security head hindi lamang dahil sa bomb threat sa ilang unibersidad kahapon malapit sa Malakaniyang kundi mas maipapaliwanag ang pagpapalakas ng relasyon ng pulisya at mga unibersidad para matiyak ang seguridad sa buong lungsod
Kabilang sa mga Taft avenue university consortium ang Philippine Normal University, Sta. Isabel College, Technological University of the Philippines, Adamson University, Philippine Christian University, Philippine Women’s University, Dela Salle University, College of Saint Benilde at Emilio Aguinaldo University
Muling tiniyak ni Coronel na walang dapat ika panic ang mga residente ng lungsod
By: Judith Larino / (Reporter No. 5) Aya Yupangco