Tatanggap ang Philippine Coast guard ng dalawang Short C-23 Sherpa Transport Aircraft mula sa Estados Unidos sa Disyembre.
Ito ang kinumpirma ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Balilo, ang pagbibigay ng eroplano ng Amerika sa Pilipinas ay bahagi ng U.S. Excess defense articles program.
Inaasahang gagamitin ng coast guard ang mga naturang Sherpa planes sa kanilang maritime patrol missions.
By: Meann Tanbio