Magbubuhos ng pondo sa Sulu province ang pamahalaan para tulungan itong makabangon mula sa sobrang kahirapan.
Ito ayon kay Sulu Vice Governor Abdusakur Tan ang pangako sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng direktiba nito sa militar na pulbusin ang Abu Sayyaf.
Naniniwala si Tan na kahit mapulbos ngayon ang kasalukuyang grupo ng Abu Sayyaf meron uling susulpot na bagong grupo kung hindi masosolusyonan ang kahirapan sa Sulu.
Bahagi ng pahayag ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan
Threat
Samantala, ipinauubaya na ng pamilya Tan sa mga awtoridad ang imbestigasyon sa pagtatanim umano ng bomba sa kotse ni Kusug Tausug Partylist Representative Shernee Tan sa Kamara kahapon.
Gayunman sinabi sa DWIZ ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan na naiisip nilang may galit sa kanilang pamilya ang nagtangkang magpasabog sa kanyang anak.
Mahirap naman aniyang magturo sa anumang grupo o taong nasa likod ng nasabing pagtatangka sa buhay ng kanyang anak.
Bahagi ng pahayag ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan
By Len Aguirre | Judith Larino | Ratsada Balita