Bibigyan ng livelihood assistance ng Department of Labor and Employment ang mga biktima ng pagsabog sa Davao City
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nagsasagawa na sila ng profiling ng mga biktima para mabatid kung anong pagkakakitaan ang maaaring ibigay sa mga ito
Sinabi ni Bello na maaari nilang bigyan ng pampuhunan ang mga masahistang apektado ng pagsabog o kung nais ng mga itong magtayo ng massage parlor
Uubra rin aniya nilang bigyan ng negosyo carts ang mga nagbebenta ng barbecue sa pinasabugang night market
By: Judith Larino