Tinatayang 2 milyon pisong halaga ng shabu at 4 na milyong halaga ng mga laboratory equipments ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang piggery sa Magalang, Pampanga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naaresto dito ay ang 7 Chinese national na sinasabing nag- ooperate ng naturang shabu lab.
Ginawang front ng mga suspek ang pag-aalaga sa 2,000 baboy upang itago ang amoy ng nilulutong shabu.
Ang nadiskubreng laboratory ay sinasabing bahagi ng limang pasilidad na siyang nagsusuplay ng iligal na droga sa Luzon.
‘Hindi hilaw na kaso’—PDEA
Kaugnay nito, tiniyak ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang matibay na kasong isasampa laban sa 7 Chinese nationals na nadakip sa natuklasang shabu laboratory sa loob ng isang piggery farm sa Magalang Pampanga.
Ayon kay Director Derrick Carreon, Spokesman ng PDEA, mahigpit ang direktiba ni Senior Supt. Wilkins Villanueva, direktor ng PDEA na tiyaking airtight ang lahat ng kasong isasampa ng ahensya laban sa mga drug suspects.
Sinabi ni Carreon na ang nabuwag na shabu lab ay may kakayahang makapag-produce ng 50 kilos ng shabu sa loob lamang ng isang linggo.
Lumilitaw anya na itinayo ang shabu lab para sa pangmatagalang operasyon at sa katunayan ay isa sa mga nadakip nila ay isang chemist.
Bahagi ng pahayag ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon
Samantala, nakatutok rin ang PDEA sa mga posibleng pinagmumulan ng party drugs.
Ayon kay Carreon, iba naman ang operasyon sa party drugs tulad ng ecstasy dahil wala itong laboratoryo at manual lamang na inihahalo sa mga kapsula.
Bahagi ng pahayag ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon
By Rianne Briones | Len Aguirre | Ratsada Balita