Nakapagtala muli ng walong bagong kumpirmadong kaso ng zika virus ang Singapore.
Dahil dito, pumapalo na sa 283 ang locally transmitted zika cases sa Singapore at inaasahan ng mga awtoridad doon ang paglobo pa ng nasabing kaso.
Samantala, nakapagtala na rin ang Malaysia ng unang kaso ng zika virus at ang biktima ay 27 anyos na apat na buwang buntis na ang asawa ay nagtatrabaho sa Singapore.
Hindi pa naman malinaw kung nakuha ba ng biktima ang zika virus sa kanyang asawa.
By Judith Larino
Photo from: cnn