Ikinalugod ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pagpabor ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso na ipagpaliban ang barangay at SK elections sa Oktubre.
Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueno, malaki ang posibilidad na gamitin ang naturang eleksyon ng mga sangkot sa iligal na droga gaya ng naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag pa ni Sueno na kung ipagpapatuloy ang October elections, maraming kandidato sa halalang pambarangay ang popondohan ng mga drug lord para matiyak ang pagkapanalo ng mga ito.
Kapag nanalo na aniya ay posibleng doon na maibalik ng mga barangay official ang pabor sa mga drug lord.
Muli namang tiniyak ng kalihim na pananagutin ng Pangulo ang mga opisyal ng barangay na mapatutunayang sangkot sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
By: Meann Tanbio / (Reporter No.25) Allan Francisco