Ikinalungkot ni NBA Superstar Lebron James ang naunsyaming pagbabalik Pilipinas nito.
Ayon kay Lebron, sa hindi inaasahang pangyayari ay kinansela ang kanyang ikatlo sanang biyahe sa Pilipinas.
Aminado si King James na nag-enjoy siya sa kanyang dalawang huling pagbisita sa bansa.
Umaasa si James na makababalik siya ng Pilipinas sa mga susunod na panahon.
Ngayong araw sana nakatakda ang bahagi ng kanyang Asian Tour sa Maynila.
By Drew Nacino