Patuloy pa ring mino-monitor ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang Low Pressure Area o LPA.
Huli itong namataan sa layong 300 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Gener Quitlong na inaasahang hindi magiging ganap na bagyo ang naturang LPA.
Gayunman, sinabi ni Quitlong na magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan sa buong Visayas, buong Mindanao, kasama na ang Bicol Region, MIMAROPA, probinsya ng Laguna, Quezon at Batangas.
Inaasahang magla-landfall ito sa loob ng 24 oras sa Mindanao kung saan maaari itong malusaw sa mga susunod na araw.
Pagkalabas ng nasabing LPA, inaasahan namang papasok ang isa pang LPA na kasalukuyang nasa Pacific Ocean.
By Jelbert Perdez