Patay ang 34 na Iraqi police officers habang 48 ang sugatan matapos ibangga ng isang ISIS fighter ang minamaneho niyang tractor-trailer na naglalaman ng mga explosives sa base ng joint Iraqi security forces malapit sa timog kanluran ng Samarra.
Ayon sa mga security officials, nangyari ang pag-atake bandang alas-3:00 ng umaga.
Kinumpirma ng medical source at balad hospital ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa pag-atake.
Sinabi ng mga security officials, na nagpaputok ang mga guwardiya subalit hindi napigilan ng mga ito ang pag-atake.
By Mariboy Ysibido