Itinanggi mismo ni Pangulong rodrigo Duterte ang ulat na nagmula umano kay dating Pangulong Fidel Ramos ang tinaguriang Narco-List
Ito ang listahan ng mga opisyal at kawani ng gubyerno kabilang na ang hanay ng pulisya at militar na sangkot sa operasyon ng iligal na droga
Ayon mismo sa Pangulo, gawa-gawa lamang ang nasabing balita sa kabila ng inilabas na video at transcript ng Malakaniyang sa talumpati ng Pangulo na nagsasabing si Ramos nga ang nagbigay sa kaniya ng nasabing listahan
Nangyari ito habang nakikipag-usap ang Pangulo sa filipino community sa Laos kaalinsabay ng kaniyang pagdalo sa ASEAN Summit
By: Jaymark Dagala