Pumalo na sa 1,466 ang bilang ng mga napapatay na drug suspek sa mga operasyong ikinasa ng pulisya laban sa droga.
Batay ito sa datos ng Philippine National Police mula July 1 hanggang kaninang ala-6:00 ng umaga.
Nasa 16,025 naman ang bilang ng mga naarestong drug personalities sa buong bansa.
Habang umakyat na sa higit 709,000 ang mga sumukong drug user at pusher.
Sa ilalim naman ng Oplan Tokhang, umabot na sa higit 900,000 na kabahayan sa buong bansa ang kinatok ng pulisya kabilang na ang mga nasa exclusive subdivisions.
Support from MILF
Samantala, nakaaresto umano ng 30 drug user at pusher ang MILF o Moro Islamic Liberation Front sa Maguindanao.
Ayon sa tagapagsalita ng MILF na si But Vol Al-Haq, pagpapakita nila ito ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito kontra droga.
Kasama anya nila ang mga awtoridad sa Maguindanao nang isagawa nila ang mga operasyon sa bayan ng Sultan Mastura at Sultan Kudarat simula noong Miyerkules.
Lahat anya ng mga naarestong drug suspek ay isasailalim sa imbestigasyon.
By Jonathan Andal (Patrol 31)