Tatlong Vietnamese fishing vessel ang hinarang ng Philippine Navy na iligal na nangingisda sa bahagi ng West Philippine Sea.
Nagsasagawa ng joint seaborne patrol ang Navy, Philippine Coast Guard, Bureau of Immigration at Bureau of Fisheries and aquatic Resources sa Dile point, sa Santa Catalina, Ilocos Sur nang mahuli ang mga dayuhan.
Ayon kay task force 11 commander Ronnie Paba ng naval forces-northern Luzon, nangingisda ang mga Vietnamese sa teritoryo ng Pilipinas malapit sa Pangasinan o 21 nautical miles mula sa baybayin ng Ilocos Sur.
Base sa imbestigasyon, aminado ang mga Vietnamese crewmen na gumagamit sila ng illegal superlights, upang makahuli ng mga isda subalit nagiging sanhi naman ng pagkamatay ng maliit na isda.
Samantala, negatibo sa illegal drugs ang mga dayuhan nang halughugin ang kanilang mga sasakyang pandagat habang nakatakda silang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa.
By: Drew Nacino