Pinuri ni UN Secretary General Ban Ki-Moon ang paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala si Ban sa mga magkakasalungat na maritime claims at problema sa iligal na droga.
Ikinaaalarma rin ni Ban ang tumitinding tensiyon sa Korean Peninsula.
Giit ni Ban, nagiging banta sa kapayapaan at seguridad sa Silangang Asya ang talamak na produksiyon, pagpupuslit at paggamit ng illegal drugs sa rehiyon.
Aniya, mahalaga ring magtulungan upang maiwasan ang tensiyon bunga ng territorial o maritime claims na nagiging banta na rin sa ugnayan at katatagan ng bawat bansa.
Binanggit din ni Ban ang gusot sa West Philippine Sea na mahalaga aniyang idaan sa mapayapaang usapan o dayalogo na naaayon sa Pandaigdigang Batas.
By Jelbert Perdez