Sarado ang pinto ni Senator Grace Poe para makatambal si Vice President Jejomar Binay sa darating na eleksyon.
Katwiran ni Poe, hindi kailanman siya nagbigay ng impresyon na bukas siya sa ideyang pagtatambal nila ni Binay.
Kasunod ito ng pagkuwestyon kay Poe sa isyu ng pagsasanib-puwersa nila ni Binay kasunod ng pagpirma nito sa report ng Senate Blue Ribbon Sub-Commitee na makasuhan si Binay at iba pa.
Aniya, kahit hindi siya nakadalo sa mga ginawang pagdinig ng Sub-Commitee dahil naging maayos at detalyado naman ang pagkakasulat ni Senator Koko Pimentel sa nasabing report.
Napapanahon na aniya para harapin ni Binay ang mga akusasyong ipinupukol sa kanya sa korte.
Sa kabila nito, muling inulit ni Poe ang kanyang lubos na pagpapasalamat kay Binay sa naging pagsuporta at pagtulong nito sa kanyang yumaong amang si Fernando Poe Junior.
By Rianne Briones