Nais ng China na magkaroon ng mapayapang solusyon sa nagaganap na tensyon sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Admiral Sun Jian-Guo, ayaw nilang magkagulo ang buong rehiyon at mas lalong hindi ninanais na magdulot ng kaguluhan dito.
Ngunit ayon sa opisyal ay hindi dapat na masakripisyo ang national interest ng bansa.
Nanatili pa rin aniya ang pagnanais ng China na bantayan ang freedom of navigation ng bansa.
Una nang ibinasura ng China ang kahilingan ng Amerika na itigil na nito ang ginagawang reclamation sa South China Sea.
By Rianne Briones