Isang batang lalaki ang patay dahil sa Meningococcemia sa Legazpi City, Albay.
Isinugod sa ospital ang apat na taong gulang na biktima dahil sa mataas na lagnat.
Ayon sa Albay Provincial Health Office, nagpakita ng mga sintomas ng Meningococcemia kabilang ang rashes, pananakit ng ulo at pagsusuka ang paslit na binawian ng buhay habang naka-confine sa pagamutan.
Agad inilibing ang biktima habang binigyan ng prophylaxis treatment ang mga nakasalamuha nito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
By: Drew Nacino