Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 1112 o panukalang batas na nagpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, ngayong taon.
Dalawampung (20) senador ang bumoto pabor sa postponement habang tumutol sina Senate Minority Leader Ralph Recto at Senator Antonio Trillanes.
Itinakda sa Oktubre ng susunod na taon ang nabanggit na halalan sa halip na sa Oktubre 31 ngayong taon.
Samantala, lusot na rin sa Kongreso ang nasabing panukala, nasa 214 na mambabatas ang bumoto pabor sa pagpapaliban.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)