Posibleng lumobo pa ang bilang ng zika cases sa bansa lalo na sa Iloilo City kung saan nagmula ang tatlo sa anim na zika cases sa bansa.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, Spokesman ng Department of Health (DOH), marami pang nakasalang na specimens mula sa Iloilo City para sa kaukulang pagsusuri.
Ito’y matapos anya nilang matuklasan na pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng zika at dengue ang lugar sa Iloilo City kung saan nakatira ang mga kumpirmadong may zika virus.
Bahagi ng pahayag ni Dr. Eric Tayag, Spokesman ng DOH
SC directive on contraceptives
Samantala, kumikilos na ang FDA o Food and Drug Administration upang tugunan ang direktiba ng Korte Suprema na magpalabas ng panibagong sertipikasyon para sa mga bagong contraceptives na binili ng DOH sa murang halaga.
Inihayag ito ni Dr. Eric Tayag, Spokesman ng Department of Health makaraang punahin ng Korte Suprema ang hindi pagsunod sa guidelines na inilabas nila para sa pagpapatupad ng Reproductive Health Law.
Ipinaliwanag ni Tayag na, ang nais lamang naman ng Korte Suprema ay maglabas ng sertipikasyon ang FDA na hindi abortifacient o nakakapagpalaglag ng sanggol sa sinapupunan ang mga contraceptives na gamit sa pagpapatupad ng RH Law.
Samantala, sinabi ni Tayag na apektado ang kampanya nila laban sa zika virus dahil sa temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa pag iisyu ng sertipikasyon ng FDA para sa mga bagong uri ng contraceptives.
Dahil sa bagong direktiba mula sa Korte Suprema, tinatayang 400,000 contraceptives ang mananatili sa bodega ng DOH hanggat walang bagong sertipikasyong inilalabas ang FDA.
Nabili ang mga contraceptives noong panahon ni dating Health Secretary Janette Garin sa halagang P500 ang isa mula sa market price nito na P5,000 sa tulong ng bill and Melinda Gates Foundation.
Kabilang sa mga contraceptives na ito ang implanon at implanon nxt na sinasabing pinakaepektibo pagdating sa birth control.
Bahagi ng pahayag ni Dr. Eric Tayag, Spokesman ng DOH
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas