Mas pipiliin pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumakay sa commercial flight tuwing umuuwi sa Davao City sa halip na sumakay sa eroplano ng gobyerno.
Ito ang inamin ng Pangulo makaraang mag-alok ang China na magbibigay ng eroplanong magiging service nito subalit hindi siya kampante rito.
Ayon kay Duterte, mas nakatitiyak siyang ligtas sa commercial plane kaysa gumamit ng bigay ng ibang bansa.
Pabirong sinabi ng punong ehekutibo na maaaring walang fuse ang isang makina at kung ano ang mangyari sa kanya.
Gayunman, kung talaga anyanng ibibigay ang eroplano ay ipapagamit niya ito sa Philippine Air Force para mapakinabangan ng mga sundalo.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping