Pagbuwag sa number coding scheme at ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan na dumaan sa EDSA tuwing rush hour.
Ito ang dalawang inilatag na solusyon ng Department of Transportation o DOTr upang maresolba ang malalang problema sa trapiko.
Ayon kay Transportation Undersecretary Annie Lontoc, batay sa ginawang pag-aaral ng University of the Philippines, aabot sa 1.3 milyong pasahero ang kayang serbisyuhan ng mga city bus na dumaraan sa EDSA kada araw.
Kumpara ito sa 11,800 motorista at pasaherong sakay ng may 5,800 pribadong sasakyan.
Kaya sa budget hearing ng Kamara para sa DOTr, sinabi ni Lontoc na hindi praktikal ang ipinatutupad na number coding scheme para solusyunan ang problema sa trapik.
By Jaymark Dagala