Nakatakdang maglabas ng timeline ang Commission on Elections o COMELEC hinggil sa muling pagbubukas ng voter’s registration.
Ito’y matapos lumusot sa 2 kapulungan ng Kongreso ang panukalang ipagpaliban sa susunod na taon ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, sisimulan nila ang voter’s registration mula sa susunod nabuwan hanggang sa Abril ng susunod na taon.
Binigyang linaw ni Bautista na hindi na kailangang magparehistro pang muli ang mga may edad 18 pataas na magpaparehistro sa barangay elections para bumoto naman sa 2019 mid-term elections.
By Jaymark Dagala